Posted by Mike on Feb 10, '12 11:04 AM for everyone Mahigit dalawang linggo na ang nakaraan nang makasaksi ako ng isang bagay na kagila-gilalas dito sa aking lupang tinubuan. Habang naglalakad sa Ortigas, na parte ng biyahe ko pauwi, noong Miyerkules ng nasabing linggo, may chicks na naglalakad sa harap ko. Base sa kanyang pananamit at kilos ay maaaring nagtatrabaho na siya.
May kausap siya sa selepono nang naglalakad kami patungo sa parehong terminal ng jeep. Habang patungo nga lang sa direksyong iyon ay may nakasalubong kaming isang batang namamalimos. HIndi ko siya pinansin mula sa kalayuan, ngunit nang malapit na sa amin ay biglang lumingon siya sa babae at marahil ay may naisip na malalim na kahalayan nang bigla niyang...
Hinawakan ang pwet ng babae.
Natural e na-shock iyong binibini. Laking gulat niya nang paglingon niya'y isang batang paslit ang kanyang nahuli. Sabay tingin siya sa akin, siguro sa pag-aalalang ako ang perpetrator ng imoral na kaganapang iyon. Lumingon siya ulit pabalik sa bata at tumuloy na lang sa paglakad, ngunit hindi maitatanggi na natawa na lamang siya sa nangyari. Maging ako rin ay hindi naiwasang matawa sa nasaksihan ng aking mga mata.
Sarap siguro maging bata?
Oo, matanda ka na. Nagbabasa ka ng mga ganitong shit e. Posted by Mike on Dec 31, '11 7:15 AM for everyone Marami na namang maaarteng nilalang na magsasabi ng,
"2011 has been a very eventful year for me because..."
O kaya naman,
"As 2011 nears its end, I've realized that there are so many things..."
O maaari ring,
"I survived 2011 and I could not have done it without..."
O marahil,
"With all its ups and downs, 2011 is just another stepping stone towards..."
O siguro,
"Let us not forget that..."
Maderpakingsyet. Overrated ang mga holidays. Bukod sa ginawang Christmas ang Yule e naging Gregorian pa ang ating kalendaryo. Kung tutuusin, ang Gregorian nga naman ang pinakatamang sistema ng kalendaryo. Pero Kristyano ito - magpapasalamat ba tayo kay Pope Gregory XIII para rito? O malaki lang talaga ang impluwensiya ni Kristo sa sangkatauhan na ang mismong panahon ay naaayon sa kanyang pagkabuhay at pagkamatay?
Ayon sa mitolohiyang Kristyano, ang ika-1 ng Enero, o ang ika-walong araw pagkatapos ng Kanyang "kapanganakan," ay ang araw na tinuli Siya. Ibig sabihin ba nito, nagdiriwang ang mga tao para sa araw na hindi na supot ang anak ng Diyos?
Bakit nga ba tayo nagdiriwang ng bagong taon? Magbabago ba talaga tayo sa bagong taon? May idinudulot ba talaga ang pag-ikot ng kalendaryo sa buhay ng tao? O sikolohikal lang ang lahat ng ito't linilinlang lang natin ang ating mga sarili para pansamantalang maging masaya?
Ang pinakaaangkop na kadahilanan marahil ay ang pagiging mapagpasalamat ng tao't buhay pa siya. Pero dahil hindi cool 'yun, marami nang dahilang nailuluwal sa mga mabababaw nating kamalayan gaya ng iba-ibang "putukan" sa paligid. Sige, "magputukan" lang para maging cool. Posted by Mike on Nov 26, '11 2:09 PM for everyone While driving for Kris after a birthday party, talking to the steering wheel with advanced telepathy actually made sense. I have been able to define a family as:
1.) The people you really belong to 2.) The people you will benefit from 3.) The people you're stuck with
These definitions may overlap or could simply be absolutes. But then again, loyalty could always be measured with dogs. You see, when you're happy, sad, angry or tired, your dog welcomes you home and walks with you until the boundary he is taught not to cross since he was a pup - perhaps your room. They try to communicate with you even though they have no vocabulary. In seeing such, you actually feel obliged to reciprocate the seemingly "sweet" aspect of their loyalty.
I for one, after a long day, found it necessary to play with my dog upon arriving home. Dogs are awesome.
Scherbatsky isn't. Posted by Mike on Sep 26, '11 2:05 AM for everyone "Kagulo." Ito ang paboritong expression ni Anton tuwing nalulula na kami sa mga konseptong inilalahad ng aming mahusay na guro na si Prof. Robert M. Picart. Sa dinami-rami ng Literature classes namin na siya ang humahawak e talagang nagtatabo na kami ng brain juice sa ilog ng kanyang kaalaman. Iyon 'yung tipong may klase ka na tatlong oras ngunit sa sampung minuto pa lang e lumilipad na ang kamalayan mo tungo sa inidoro ng mga diyos.
Pero dahil sanay na kami, karaniwang kamote lang talaga ang aming kokote. Habang isinusulat ko ang mismong blog na ito e nagpapahanap siya sa akin ng isang postmodernist play na tatalakayin ko sa harap ng klase. At dahil gusto kong magamay ang konseptong ito ay nagbukas ako ng Google para maghanap ng mga kahulugan. Kaso, sa paghahanap ko ng mga definition of terms ay marami akong nakasalamuhang kagaguhan sa Wikipedia pa lang.
Transmodernism
Hypermodernity
Remodernism
Stuckism
Neomodern
Wow ang daming movements! Alam mong maraming taong gustong magtayo ng sari-sariling mundo rito sa lupang ibabaw. Respeto lang naman sa kanilang paglalahad ng ideya, pero tangina pare.
KAGULO!
Palaging may revolution. Palaging may evolution. Laging may reckoning. Laging may uprising. Sa dinami-rami ng konsepto sa mundo e patuloy na nahahati ang mga pananaw ng iba't ibang tao. Pero hindi rin lang sa sining at panitikan nagkakaroon ng mga ganito, hindi ba? Sige magtatayo na ako ng sarili kong relihiyon. Tatawagin ko itong:
Penism.
Sige gagawa na rin ako ng krus:
8==================D
Mabuhay ka TNL Mideo Cruz. Posted by Mike on Sep 14, '11 10:40 AM for everyone Noong Lunes ay nagpabili ako ng The Power and the Glory ni Graham Greene sa aking ermat sa kadahilanang kailangan ko itong basahin para sa isang asignatura. Nagtext siya bandang mga ala una ng hapon,
"Nabili ko na book mo sa Powerbooks Shangri-La Plaza"
Natuwa ako nang malaman kong nakuha niya ang kaisa-isang kopya na natitira marahil sa lupon ng mga bookstores sa kalakhang Maynila. Dahil sa tuwa, nagreply ako,
"Ok"
Sabay bumanat siya bigla ng,
"Bayaran mo ko 665 pesos plus parking"
Dahil alam niyang naubos ko na ang cash ko nitong mga nakaraang linggo dahil sa pagkain, alak, at iba pang pangangailangan sa paaralan. Kaya agad ko naman siyang sinagot ng,
"Alam niyo namang wala akong pera e"
Habang tumititig sa akin ang prof ko dahil nagtetext ako sa harapan niya habang tinatalakay niya ang isang mahalagang konsepto ukol sa pagbibigay-kritisismo sa panitikan. Aaminin kong nataranta ako noong mga panahong iyon dahil mahigpit ang nanay ko pagdating sa usapang-pera at tiyak gulo ang aabutin ko kapag hindi ko siya nabayaran. Bago pa magbara ang mga ugat ng utak ko sa kaiisip ng mga maaaring posibilidad sa kung ano ang kahahantungan ko sa aking pag-uwi sa bahay e bigla siyang nagtext ng,
"Joke lang"
Galing.
Pero kinakaltasan na niya ang allowance ko kaya parang binayaran ko na rin siya. Dito ngayon pumapasok ang kahalagahan ng "Joke lang" sa kahit anomang usapan. Siguro isa ito sa mga pinakamakabuluhan, pinakamalabo, pinakamatalinhaga at pinakabobong mga sagot na ginagamit ng mga Pilipino sa mga pangkaraniwang talakayan, gaya na lang siguro ng,
"Mahal kita. Joke lang. Pero seryoso."
Putangina 'di ba? Kapag nagcombo na ang: [ Joke lang ] + [ pero... ] = e tiyak alam na nating simula na ang usapang bulbulan. Pero alam mo ba kung ano pa ang mas bubulbol doon?
Ikaw.
Joke lang. Pero seryoso. Posted by Mike on Jul 30, '11 2:25 PM for everyone Noong Martes, o Tuesday para sa mga hindi nakaaalam, ay pumunta kami ni Jake sa Cannan Bistro sa Katipunan. Madalas kami roon tuwing bumibisita siya sa Katip. Pero dahil bawal pa akong uminom ng alak noong araw na iyon dahil sa aking antibiotics e napunta lahat sa kanya iyong isang bucket ng Tanduay Ice.
Noong medyo nakainom na siya e kung san-san na napapadpad ang aming usapan. Pero hindi ito usapang lasing. Sa maarteng pananalita, tinatalakay namin ang mga paksa na may social relevance na siya namang itinatagpi namin sa katayuan namin sa lipunan. Sa prosesong ito ay napagkasunduan naming kagago-gago ang:
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
Marami pang versions 'yan e. Kung hindi pag-asa, minsan kinabukasan. Sinasabi kasi ng mga nakatatanda na punung-puno na ng kaalaman o wisdom na ang kabataan na kanilang pinag-aaral, sinusustentuhan, binubuhay, at kung anu-ano pang kasumbat-sumbat na gawain ay magsisilbi para sa kabutihan at kapakanan ng lahat tungo sa isang magandang kinabukasan. Napakaganda nga namang pakinggan, hindi ba?
Magandang pakinggan pero ang pangit isipin. Kung sino mang iyong may mga kakayahan na, may kinatatayuan na, may kapangyarihan na, may puwesto na, sila naman itong walang ginagawa. Napakakapal ng mukha ng lipunan para sabihing ang kabataan ang magiging susi sa pag-unlad ng bayan sa kinabukasan e kayo 'tong mga putanginang kaya namang gawin iyon.
Sabi nga ni Jake, "dinadamay lang nila tayo sa problema nila." Totoo. Naroon na nga sila, ipauubaya pa sa atin. Kumbaga, ganap na gaguhan e. Bakit pa kailangang ipasa sa kabataan at asahan mula sa kanila ang kinabukasan kung sa ngayon e wala naman silang magagawa para doon. Kayo bang nariyan sa trono ng kakayahan, wala ba talaga kayong magagawa? O ayaw niyo lang gumawa? At isa pa, kung palalakihin man ang kabataang may konseptong "ako ang magiging pag-asa ng bayan," eh 'di...
Weather weather lang. Tutal palpak din naman ang PAG-ASA, babuyin na rin natin ang kahulugan ng salitang iyon. Sa totoo lang, wala na rin tayong bababuyin pa dahil binaboy, linamutak, yinurakan at pinahiya na ito ng mga nauna sa atin.
Kaya naman siguro madalas kong makita ang "Hawak mo ang kinabukasan ng bayan" nakasulat sa pader ng mga pampublikong banyo - dapat mo nga naman sigurong diligan ng ihi 'tong konseptong 'to. Nakatatawa nga naman kasi na nagpapasa-pasahan pa ang mga may kakayahan ng responsibilidad. Ayan, tingnan mo, wala pa ring nangyayari.
Sa dulo ng lahat ng ito, ano nga ba ang "bayan" na bibigyan mo ng pag-asa? Hindi ba't iyon 'yung "bayan" na paghuhugutan mo ng pag-asa? O naglolokohan lang talaga tayo rito? Sige maglokohan na lang tayo rito. Ikaw na ginigiliw kong mambabasa, IKAW ang magdadala ng pag-asa. Hahahahaha ulul! Posted by Mike on Jul 2, '11 12:59 PM for everyone Ang salitang "sabay" ay nangangahulugang kaagapay. Maaaari rin itong mangahulugang kapisan, kasama, o pagkakaisa. Pwede rin itong maging dalawa o higit na mga pangyayari na nagaganap sa iisang panahon. Kung gayon, maaari kong sabihin na sa mismong pagbabasa mo ng maikling akda na ito ay sinusubukan mong "sabayan" ang linya ng aking kaisipan, o pinipilit mong saklawin ang nais kong iparating.
O sige, sabayan mo 'to.
Maraming mga taong nagsasabing "Sumasabay lang ako sa _____," kung saan ang patlang ay napupunan ng napakaraming palusot. Heto't ilalagay ko ang iilang madalas "sabayan" ng modernong tao.
1.) Sumasabay lang ako sa uso.
Ito iyong mga taong sumasabay sa idinidikta ng lipunan. Ayaw nilang mapag-iwanan ng karamihan. Gusto niyang mapabilang sa karamihan, at hindi nila napagtatanto na sa prosesong ito ay parang kinukusa na rin nilang burahin ang kanilang identidad. Ayaw nilang mahusgahan at masabihang "wala ka sa uso" kaya kinikilingan nila ang kahit anumang kinikilingan ng nakararami. Hindi sila natutuwa sa kanilang sarili lamang. Kailangan nilang mapabilang sa isang samahan, konkreto man o hindi, at marinig mula sa kanilang mga kasapi na sila'y katanggap-tanggap, bago sila matuwa sa kanilang sarili.
2.) Sumasabay lang ako sa daloy ng buhay.
Alam mo ba sinasabi mo? Oo, hindi mo alam. Una kasi sa lahat, hindi mo alam kung ano iyong dinadaluyan ng buhay. Pinagsama mo ang dalawang bagay na hindi mo lubos na naiintindihan sa isang parirala, tapos isinuksok mo pa ito sa isang pangungusap na mas lalong hindi mo nauunawaan. Ito 'yung mga taong kabisote sapagkat hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin. Marahil kaya lang naman nila nasasabi ang daloy ng buhay ay hinihintay lang nila kung ano ang mangyayari sa kanilang buhay. At saka lamang sila kikilos sa kung anuman ang itatakda sa kanila ng buhay na iyon, kung buhay man iyon.
3.) Sumasabay lang ako sa idinidikta ng aking puso.
Sigurado ka ba sa puso mo? Hindi kaya't isang karuwagan ang pagtitiwala sa nararamdaman? Tingin ko, pinakikinggan lang naman ang idinirikta ng puso kapag kinailangan na ng isang bagay ang kritikal na pag-iisip. Sa kanilang kaayawang mag-isip ay lumalapit sila sa kanilang damdamin upang malutas ang delubyong kinaiilaliman. Nakikinig lang naman ang tao sa kanilang puso kung kailan hindi na sila nagtitiwala sa kanilang sarili o sa kanilang naiisipang gawin. Kung babatuhin mo ng tae ang isang tao, hindi mo pakikinggan ang puso mo kung gagawin mo ba iyon o hindi. Saka ka lamang lalapit sa puso kapag naisip mo nang humingi ng tawad - kung kailan hindi na kaya ng iyong kabobohan ang magmuni-muni ukol sa pagbabato ng tae.
Habang sumasabay ang isang tao, mas hindi niya kinakayang tumayo mag-isa. Sa pagsabay sa uso dahil hindi nila alam ang kanilang sarili, sa pagsabay sa daloy ng buhay dahil hindi nila alam ang kanilang gagawin sa sarili, o sa pagsabay sa idinidikta ng puso dahil hindi nila alam ang gagawin sa kanilang gagawin sa sarili, ay mas lalo lang silang nawawalan ng direksyon. Idinadahilan nila ang pagsabay sa kung anumang shit para sa kanilang ikinikilos na kadalasa'y pagsasayang lang naman ng oras.
Ang totoo, mahina ang tao. Hindi niya kayang tumayo sa sariling paa. Kung nagawa man niya ay nagmamatigas lamang siya na kaya niya. Isa iyong kalumpuhan ng kaluluwa. Kailangan ng taong may kinabibilangan, o sinasabayan, dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng paa para umusad, o maaari ring umatras, depende sa konteksto ng kanyang pagkilos. At sa paglalakbay na ito ay napakarami nating shit na tinatapakan hanggang aabot sa puntong hindi na natin matanggap ang baho ng ating talampakan at makalilimutan natin na ang mga paang iyon ang may kakayahang magbuhat ng ating katawan.
Lahat ng tao ay nagpupumiglas sa kanilang sarili. Pero kung may dapat ka mang sabayan, hindi ba't ang sarili mo 'yun? At dahil tinatamad na akong magpaliwanag pa dahil bagaman matatapos mo itong basahin e hindi mo naman ito isabubuhay, tatapusin ko na ito sa:
Dapat nating sabayan ang ating sarili. Siguro naman, pwede nating gawin iyon nang sabay-sabay? Posted by Mike on Jun 20, '11 2:03 PM for everyone Noong Sabado, naaksidente ako habang papunta sa Bagong Ihaw Resto Bar. May gig kasi kami sa gabing iyon at pinili kong pumunta nang maaga para magpaline-up. Namasahe lang ako dahil wala akong sasakyan.
Habang papalapit na ang jeep sa destinasyon ay sinabihan ko na 'yung drayber,
"Para!"
Tapos sinundan ko pa,
"Sa tabi lang."
Eh dahil binabagalan na niya at itinatabi na sa kanto ang pampasaherong jeep, sinimulan ko nang tumayo sa aking kinauupuan at unti-unting lumakad nang nakayuko papunta sa dulo ng jeep. Sa kaalaman ng lahat, pilay ang kaliwang tuhod ko. Para siguradong hindi lumala ang pilay, sinabi ko pang,
"Alalay lang."
Noong alalay na iyong takbo ng jeep, inuna kong ibaba ang kanan kong paa. Hindi pa ito nakadidikit sa kalsada nang biglang nagmatulin itong gagong drayber. Dumulas iyong kaliwang paa ko mula sa kinatatayuan ko't humampas ang likod ko sa jeep. Tapos nakaladkad ako. Pero kumapit pa rin ako.
Heto na 'yung stuntman part! Nakabitiw ako. Dumulas 'yung kaliwang kamay kong tanging nakakapit sa isang hawakan dahil iyong kanan kong kamay e may dalang bag. Tapos gumulong ako mula likod, tapos ulo, tapos likod ulit. Matapos ang tatlong maka-around-the-world na stunt e bumulagta ako sa kahabaan ng Shaw Boulevard. Malamang hilo ako. Sinubukan kong tumayo pero alam kong 'di ko kaya. Sa mga segundong iyon, alam kong masama ang lagay ko. Nabalutan pa ako ng putik dahil umuulan-ulan pa noong nahulog ako sa jeep.
Hiniling ko na walang kasunod na sasakyan. Sa awa ng Diyos, kung asan man siya, e wala namang kasunod. Nakadapa lang ako pansamantala sa kalye. Pagkatapos likumin ang lahat ng aking lakas, pinilit kong tumayo at pumunta sa sidewalk. Tinapon ko ang aking bag sa tabi at naghanda nang kumprontahin iyong bobong drayber na hinabol nung mga tambay na nakasaksi sa aksidente.
Pagkatapos ng maikling negosasyon e sabi ko na "ok lang naman" dahil:
1.) Nagmamadali na talaga ako dahil may gig pa kami 2.) Wala namang lumabas na buto o nabaling shit sa katawan ko 3.) Maaabala 'yung mga pasahero; ako mismo ayaw ko sa abala 4.) Hindi mataas ang estado niya sa lipunan at naghahanapbuhay din siya
Inintindi ko rin ang kanyang panig. Humiling lang ako ng tulong para gastusan niya iyong natamo kong sugat sa kaliwang braso ko kung saan umaagos iyong dugo. Bumalik siya sa jeep "para kumuha ng barya" ngunit hindi na niya ako binalikan KAYA PUTANGINA MONG DRAYBER KA.
Sa kabila ng lahat, tumugtog pa rin ako sa gig at natuwa ako sa aming munting palabas. Binabad ko sa alak ang aking katawan. At noong hindi ko na nararamdaman 'yung sakit e tingin ko kaya ko nang umuwi dahil manhid na katawan ko. Sa aking pag-uwi, naligo ako, kumain ng hapunan, nag-DotA, saka natulog.
Paggising, putangina ang sakit ng buong katawan ko. Mula ulo, batok, siko, braso, likod, tagiliran, hita, binti tuhod, paa... Walang tinira. KAYA PUTANGINA MONG DRAYBER KA. Inuulit ko lang. PUTANGINA MO LANG TALAGA.
E dahil may giyera sa tahanan e maaari kong sabihin iyong pa-conyong linyang "my parents don't give that much of a shit" dahil nakakapagpa-cool ito ng mga modernong tao sa kasalukuyang henerasyon. Naalagaan ko naman ang sarili ko simula noong nagising ako. Nakatutuwa nga lang ang regenerative quality ng aking katawan dahil tila biglang bumilis ang paghilom ng katawan ko ngayong araw, kahit masakit pa rin talaga. Nag-aalala lang ako sa tuhod at likod ko.
At ngayong tapos na akong magkuwento, ito na 'yung moral lesson: May dalawang uri ng stuntman. Iyong isa ay isang stuntman dahil kailangan niyang maging stuntman, marahil dahil itinakda ito sa kanya ng kapalaran o dahil sa simpleng dahilan na kailangan niyang magkapera at maaari niyang sabihing "trabaho lang." Pero 'yung ikalawa,
Sadyang tanga lang talaga. Uso pa naman pagiging stuntman ngayon. Posted by Mike on May 23, '11 12:25 PM for everyone Mahigit isang linggo na rin ang nakalilipas noong nasaksihan ko ang isang delubyo sa telebisyon. Sa sobrang moderno ng ating lipunan ay naging moderno na rin ang wika. Sa isang noontime show sa isang istasyon, paulit-ulit na ginamit ng mga host ng nasabing palabas ang isang terminolohiyang masakit pakinggan.
"Madlang people."
Pukenangina. Walang murang makapagpapahayag ng aking pagkadismaya. 'Eto namang mga manonood, 1.) tuwang-tuwa silang tinatawag silang ganoon, 2.) hindi talaga nila alam kung ano 'yun, o kaya naman 3.) pareho.
Sa madaling salita, walang murang angkop sa media ng Pilipinas. Bukod sa kadiri, bobo, bulok, bano, at kung anu-ano pang shit, tinatanga nito ang masa. Ang masa naman na siyang umaasang matuturuan ng media, na siya namang tamang adhikain nito, ay sadyang natatangay lang sa daloy, o 'trend' kung tawagin, na pinauuso naman ng media sa mga mabibisang paraan ng kabobohan.
Marahil nasa isang punto na ang bayan kung saan malapit na nitong mapagtanto na SHET ANG TANGA NATIN, PERO DAHIL TANGA TAYO MAY GOBYERNO TAYO NA MAGLILIGTAS SA'TIN.
O kung ano pa mang tagapagligtas na aasahang magiging pambansang tanggulan ng sangkatangahan. Sa napakaraming salik ng lipunan, nagiging polusyon na sa sariling populasyon ang Pilipino. Nasa isang lipunan tayo na nasa ilalim ng pamamalakad ng mga mayayaman.
Pero dahil ang suma ng lahat ng puwersa ay ang tatsulok ng lipunan, malamang hindi pa makababangon si pag-asa mula sa libingan. Dapat kumantot si sentido kumon ng bagong chicks gaya ni rasyonalidad. Masyado kasing pokpok si moralidad para dalhin sa kanyang sinapupunan si Juan de la Cruz Jr.
Ang pinakarurok ng lahat ng ito ay putangina ng mga pulitikong papogi at ng mga artistang pauso. Ipapatab sa inyo ni Satanas 'yung himig ng impyerno. Kailangan doon perfect pitch. Ay putangina bingi nga pala kayong lahat.
Sa dulo ng walang hanggan, nasa kamay pa rin talaga natin iyong solusyon. Nakasalalay sa atin ang hinaharap. Walang takdang panahon. Walang bayani. Kaya putangina nating lahat. Posted by Mike on May 9, '11 12:40 PM for everyone Ngayon ko lang talagang pinansin 'tong kantang 'to sa music library ko. Habang nakashuffle 'yung playlist ko ng Meshuggah, biglang tumugtog 'tong kantang 'to. Ito 'yung tinatawag namin ni Kris Gomez na kantang "pangsuntukan" kasi tama 'yung timpla ng bigat - hindi 'yung bigat na nagpapabigat lang talaga para masabing na-uutilize nang todo 'yung distortion, o 'yung bigat para masabing iyan iyong klase ng tugtugan na astig, atbp.
Pero ang tunay na ikinabibigat ng kantang ito ay iyong mismong pamagat. Kung tutuusin, totoo nga namang "we suffer in truth." Ang katotohanan ang isa sa mga pinakamaaalat na bagay sa mundo, hindi ba? May mga aspeto nito na hindi mo talaga maiisip o lubos na matatanggap. Marahil isa ito sa mga instrumento ng buhay para pangaralan ang mga mortal na kagaya ko at kagaya mo.
Nakatutuwang ang kantang ito ay nasa album na Destroy Erase Improve. Animo'y kumpol ito ng mga hakbang para matupad ang isang proseso - isang pagbabago. Isa ring malaking katanungan kung ano ang pagbabagong iyan. Ano nga ba ang dapat baguhin? O kaya naman, kinakailangan ba talagang magbago? At sa pagsasaalang-alang ng mga katanungang ito, magiging sa ikabubuti ba ang desisyon buhat sa mga ito?
Sige para mas madali, gumawa tayo ng isang halimbawa. Ipagpalagay na si Barney ay nasasakdal sa isang karampatang pagbabago ayon sa kautusan ng imahinasyon ng ating mga isipan.
1.) Destroy - Tangina wala nang dinosaur sa kasalukuyang panahon. Dapat hindi na isang dinosaur ang titingalain ng mga bata sa kanilang murang edad. Paano na lang kapag nalaman nila ang katotohanang hindi ganoon ang hitsura ng mga dinosaur at hindi na sila makakikita pa ng mga buhay na dinosaur sa kanilang pagtanda? Isa ito sa mga katotohanang kailangang sirain sa pananaw ng mga inosenteng bata.
2.) Erase - Sobrang bano ng kumbinasyon ng kulay ni Barney. Saan ka ba makakikita ng kahayupang purple ang balat tapos berde iyong kung tawagin ay belly. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin. May friendly ba talagang dinosaur? Siguro, isa ito sa mga katotohanang kailangang burahin sa mga murang isipan ng sangkatauhan sapagkat hindi mo magiging kaibigan ang isang bagay na hindi na totoo.
3.) Improve - Ito na marahil ang isa sa mga pinakaiskandalosong hakbang na gagawin ng sinomang nilalang sa kurso ng kanyang mortalidad. Ito ang magsisilbing ultimatum ng mga pagbabago tungo sa ikabubuti ng kung anumang shit. Pero depende na rin iyon sa konteksto ng "improve" dahil maaari mo rin itong ilagay sa mata ng isang kontrabida. So in short, mas magandang iimprove natin si Barney.
Sisirain natin 'yung pagiging dinosaur niya. Hindi siya dapat isang dinosaur. Dapat isa siyang elemento ng katotohanan na makikita ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda. Maganda rin kung tatanggalin natin lahat ng aspeto na naglalarawan sa kanya bilang isang "friendly dinosaur." At ikatlo, ihuhulma natin siya sa isang likhang disenyong mas angkop sa modernong panahon - siguro maganda kung magmumukha siyang isang dildo ni Ronald McDonald tapos pananatilihin iyong kanyang purple na balat, o sa ating wika ay ang kulay na biyoleta / lila / purpura.
Tama. Si Grimace! Si Grimace na marahil ang pinakamagandang imaginary friend ng sansinukob. Bukod sa pagiging mukhang tae at isang anyong hindi magamay ng kahit anong rasyonalidad, isa siyang paglalarawang nagtataglay ng katotohanan.
Ang katotohanan ay isang terminal na ilusyon. Tara, tayo na't magdusa. Posted by Mike on May 3, '11 12:22 PM for everyone Sa tinagal-tagal ng pagkakapuwesto ng aking mesa rito sa may isang sulok ng aming entertainment room sa bahay ay ngayon ko lang talaga pinansin 'yung painting sa may likuran ko. Nakasabit kasi ang painting na ito sa may gawing hilagang silangan ng telebisyon na siya namang direktang tinalilikuran ng aking upuan. Pero tuwing lilingon ako sa telebisyon ay doon ko napapansin ang painting na ito.
Inilalarawan nito ang isang grupo ng mga musikero. Dalawa ang gumagamit ng violin. Isa ang naka-cello. Isang flute. Isang piccolo. Lahat sila'y animo'y payaso sa kasuotan, at ganoon na rin sa pagkakakulot ng buhok. Ang tatlo'y may binabasang piyesa, habang ang dalawa'y tila sumasabay lang sa kanilang masayang tugtugan. At ang background - isang kawalan ng asul, puti, itim, at ng kanilang mga anino.
Ngayon may tanong ako sa'yo, ano kaya ang painting na ito sa buhay ko? Marahil may mga bagay sa paligid ko na napakatagal nang nandiyan at hindi ko talaga pinapansin kahit na alam kong nariyan. Minamaliit ko ang kahalagahan ng mga ito. 'Di ba? Maganda itong metapora sa painting ng mga musikero na nakasabit sa pader sa aking likuran. Siguro nga'y mas tinititigan ko talaga 'yung telebisyon o kaya naman itong aking laptop dahil naaaliw ako sa mga ito.
Bago kita tanungin kung ano ang "painting sa pader" ng buhay mo, gusto ko lang linawin na hindi ko pinapansin 'yung painting dahil wala lang talaga akong pakialam. Haha. Posted by Mike on Apr 28, '11 10:09 AM for everyone Habang nanonood ng TV Patrol kanina, na-feature ang "Royal Wedding of the Century" bago magpatalastas. At bago tumuloy sa patalastas, may nai-flash na poll sa nasabing programa. Hinihingi nito ang opinyon ng mga manonood sa kung marami pa bang mas mahahalagang balita kaysa sa pag-update sa Royal Wedding.
51% ang nagsabi ng "oo" samantalang 49% ang nagsabi ng "hindi."
Sana trolls 'yung 49%. Kung mayroon lang akong sampung libong sim card, gagawan ko pa ng paraang manalo 'yung mga nagsasabi ng "hindi" para magmukhang katawa-tawa ang bansa natin. Pero kung tutuusin, bumebenta ang showbiz news sa masang Pilipino. Paano pa kaya kapag idinikta ng media na "... ang pinakainaabangang royal wedding ng mga Pilipino ay mapapanood niyo na..."
Tangina mong commentator ka 'wag mo akong idamay sa gustong makiusyoso sa mga kaganapang Kanluranin na wala namang kinalaman sa akin. Tangina rin ng scriptwriter dahil "mapanonood" ang tamang salita at hindi "mapapanood." Tangina rin ng pagbabalita dahil ang ibinabalita'y isa lamang first class chismis.
At putangina ng media dahil wala tayong magawa laban dito. 'Pag sinasabi ng patalastas na "ang santo papang minahal ng sambayanang Pilipino" e natatarantado na naman ako. Hindi sa ayaw ko nang maging Katoliko. Pa'no na 'yung mga Muslim?
Anyway, sobrang idol ng text poll na 'yun dahil tinatanga na nila 'yung masang Pilipino sa kanilang NAPAKAGANDANG tanong, kumikita pa sila sa mga Globe/TM, Smart/TNT at Sun subscribers.
So ang aral na mapupulot natin sa blog post na ito ay text:
TANGINA<space>NIYONG<space>LAHAT
To your respective cellular service providers. Posted by Mike on Apr 23, '11 1:17 AM for everyone Nitong Semana Santa ay may mga bagay akong napagtanto ukol sa relihiyon. Ilang taon na akong hindi nagsisimba sa kadahilanang hindi ko gustong magsimba sa kadahilanang ang pagsisimba ay walang kadahilanan kung ang dahilan ng pagsisimba ay isang kadahilanan lamang para:
1.) masabing isa kang mabuting tao sa tradisyunal na konteksto ng lipunan,
2.) makibagay sa katayuan at pangalan ng pangkat na kinabibilangan, o
3.) maisalba ang sarili sa mga bagay at hadlang na kinatatakutan.
Paglalagom:
Unang Kadahilanan
Ito ang pangunahing antas ng pagdadahilan kung saan natatakot ang isang indibidwal na bibigyang-paratang siya ng kanyang lipunan kung hindi niya sinusunod ang isang sistemang sinusundan ng karamihan. Halimbawa, "Anti-Christ" ang makabuluhang tingin ng tradisyon sa mga taong hindi nagbibigay ng atensyon sa relihiyong laganap sa nasabing tradisyon.
Ikalawang Kadahilanan
Ito naman ang antas kung saan ang indibidwal ay nanggagaling sa isang pamilyang may tinatangkilik na relihiyon. Kailangang siya ay sumailalim sa kaugaliang ito ng kanyang pangkat na kinabibilangan dahil isa itong obligasyon para manatili sa ideyal na isanasabuhay ng nasabing pangkat.
Ikatlong Kadahilanan
Ito ang huling antas kung saan natatakot lamang ang indibidwal sa kanyang kahihinatnang hinaharap dahil wala siyang pinanghahawakang relihiyon. Ito marahil ay isang pakikipagtunggali sa sarili lamang buhat ng epekto ng mga moral at kulltural na aspeto ng lipunan. Kumbaga, nagkakaroon lamang siya ng relihiyon dahil nararamdaman niya ang pangangailangan nito para sa panatag na kalooban.
Hatol (Dito na papasok ang komedya):
Ganito lang 'yan e. Hindi mo talaga pwedeng sabihin na "salamat sa Panginoon" kung ang "Panginoon" mo ay idinikta lamang sa iyo. Paano kung ipinanganak kang Muslim? O Maranao? O Tausug? Ibig sabihin ba'y ang Kristiyano'y hindi maililigtas ng iyong Diyos sa pagdating ng Apokalipsis? O kung Kristiyano ka naman, gayon na rin ba ang magiging kapalaran ng ibang relihiyon - o kaya ng mga tribong nanatili sa kanilang identidad pagkatapos ng dalawang milenyo ng alitan sa pagitan ng napakaraming paniniwala?
E gago ka pala e.
Pwera sa biro, nakagagago naman talaga ang paninindigan ng mga "banal" dito sa balat ng lupa. Ang akin lang, hindi lahat ng tao'y kilala ang kanilang relihiyon. Alam nating lahat iyon. Pero ano nga ba ang relihiyon?
Ayon sa Wikipedia, Religion is a cultural system that creates powerful and long-lasting meaning by establishing symbols that relate humanity to beliefs and values.
Kung gayon, ang kahulugan ng Relihiyon ay pagbibigay kahulugan sa pagiging tao. Ang pagiging tao ay hindi kailanman idinidikta sa tao. Ang kanyang kahulugan ay mapagtatanto niya sa oras na makilala niya ang kanyang sarili. Ang Relihiyon ay isang paghahandog ng kalayaan sa sarili. Walang kahit sinomang institusyon ang kayang magtakda ng katauhan at pagkakakilanlan sa kung kanino man dahil-
Wala lang. Hinahanap-hanap ko lang ang pagsusulat sa ating Lingua Franca.
Ang sarap magsulat ng kung anu-anong shit pag bumebenta siya e. Posted by Mike on Nov 30, '10 12:54 PM for everyone "Oh, if you must know, I am a horrible suicide bomber," says Achmed in his 10-minute conversation with Jeff Dunham in a short segment of Spark of Insanity. "I set the timer for 30 minutes but it went off in 4 seconds."
Punchlines guarantee the effectivity rate of any piece of literature. However, when a necessary build up is not strategically delivered, the punchline fails to "punch" a certain line as an impact to the readers or the listeners. In Achmed's case however, it is interestingly a punchline within a failed punchline. His inability to detonate the bomb at the right time was enough to detonate a different bomb in a different dimension - as to an experience to a stage.
The stage is perhaps the most exhilarating experience for children who are still mesmerized with the glitz and glamor of exploring literature in an age of computer games and Lady Gaga, and in their latter years such stages are usually made boring by renditions and translations of Shakespearean works. Conversely though, Shakespeare may have been trying to modernize the essence of a Homeric hero in a Renaissance sense. A transitive effort, only a chosen few could digress from the oh-so-conventional perspective of what a glorifying heroic failure is. Most scholars would name it "immortality."
This phenomenon now brings upon yet another appealing discourse about the existence of a Prima Causa which the majority would coin as "God." With so many resonating and contradicting points of view about the said topic, Family Guy reasonably portrays God as a ding-a-ling who casually creates an idiotic havoc and in the process blurts out the words "Jesus Christ" and unconsciously summons another divine being who answers back "Yes dad?" These pun ov characters consequently give rise to a relatively post-modern prospect of a parallel society.
Societies however tend to give rise to inequality. Considering how an inequality stresses on the specific and precise value of a number or a variable in a mathematical "in-equation," the same reality applies to the difference of genders. The male species tend to be dominant most of the time, but Emily Dickinson's writing prowess could take on about 90% of the brute population single-handedly, which further escalates the virtue of sexism. True enough, the pen is mightier than the sword to a person that gives and takes life to and from literature.
The point is this: . - it is a geometric entity of a certain coordinate in a certain plane. Literature can either be taken too literally or too metaphorically, depending on the reader's or the critic's stupid preference. These approaches give literature the power to be immortal and the power to reflect experience. From these emanates reality, as if a bomb planted on a stage that goes off to produce some sort of a big bang, serving as a prime cause to its universe which respectively is its audience, and in the end to prove a point - to prove something.
Senselessness is one of them. Oh, the rights of a Literature Major are endless. As endless as the bounding limits of imagination, or a germinating obsession towards synthetic needs, a guy like me can go on alluding to so many lines and characters and events and plots and concepts in the rich expanse of literary history. The main challenge is to establish identity in that process, which a billion others have already been doing for the last 3000 or so years in an attempt to make themselves "unique," thus rendering everyone common.
All art is quite useless. Thank you Oscar Wilde for that gay insight. Hello Edward Cullen! Posted by Mike on Sep 3, '10 2:02 PM for everyone Minsan darating na lang talaga. Posted by Mike on Sep 1, '10 12:48 PM for everyone Dahil hindi ko na alam kung ano ang dapat isipin at mas lalo na kung ano ang dapat gawin, dito ko na lang muna ibabagsak ang linalaman ng karimlan ng aking katalinuhan.
'Eto siya:
At ngayong nababasa mo na ang laman ng aking utak, nais kong ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga iyan. Heto naman ang karampatang kahulugan:
(&#%&#@!(&%@#!^&#)%)(*$^*$(%&@#(^(#@%^(#(%^$(^%&@#(&%(!(&^&$)^&)!&^$(!&(($(&!%(&!$&)(%(!$&(&$!@&^$(&#%&#@!(&%@#!^&#)%)(*$^*$(%&@#(^(#@%^(#(%^$(^%&@#(&%(!(&^&$)^&)!&^$(!&(($(&!%(&!$&)(%(!$&(&$!@&^$(&#%&#@!(&%@#!^&#)%)(*$^*$(%&@#(^(#@%^(#(%^$(^%&@#(&%(!(&^&$)^&)!&^$(!&(($(&!%(&!$&)(%(!$&(&$!@&^$(&#%&#@!(&%@#!^&#)%)(*$^*$(%&@#(^(#@%^(#(%^$(^%&@#(&%(!(&^&$)^&)!&^$(!&(($(&!%(&!$&)(%(!$&(&$!@&^$(&#%&#@!(&%@#!^&#)%)(*$^*$(%&@#(^(#@%^(#(%^$(^%&@#(&%(!(&^&$)^&)!&^$(!&(($(&!%(&!$&)(%(!$&(&$!@&^$(&#%&#@!(&%@#!^&#)%)(*$^*$(%&@#(^(#@%^(#(%^$(^%&@#(&%(!(&^&$)^&)!&^$(!&(($(&!%(&!$&)(%(!$&(&$!@&^$(&#%&#@!(&%@#!^&#)%)(*$^*$(%&@#(^(#@%^(#(%^$(^%&@#(&%(!(&^&$)^&)!&^$(!&(($(&!%(&!$&)(%(!$&(&$!@&^$!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Lubos na nakatutuwa kung ano ang mga iyan dahil kahit ako'y 'di ko rin gamay ang ibig sabihin ng mga ideyang pumaparoo't parito sa mga silid ng aking kokote. Kung alam mo lang ang delubyong kinalalagyan ko ngayon ay marahil sasapitin mo rin ang kabaliwang bumabalot sa aking rasyonalidad kung kaya't...
Inom na. Posted by Mike on Aug 24, '10 12:04 PM for everyone Aba'y biruin mo nga nama't may bago na naman akong akda rito sa maliit kong sulok sa internet. Pagkatapos kasi ng ilang buwan ay muli kong naisipang sumulat ng isang maikling paglalarawan ng kalamidad sa sangkatauhan - tag-wasak na naman.
Nitong mga nakaraang araw ay nakasalamuha ko ang 'di mabilang-bilang na nilalang at hindi ko mapigilang ibahagi sa inyo, aking mga mambabasa, na sinasalanta na naman ang mga miyembro ng ating populasyon ng isang penomenon na kung tawagin natin ay "kabiguan." Sa mga hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nagsisimula na naman ang banta ng 'di mapigilang pag-iinuman araw-araw. Kung isasaalang-alang nga naman ang nakalap kong kaalaman mula sa mga kakilala't kaibigan, napapanahon na magwasak ang kasalukuyang henerasyon - hindi dahil sa bigo ang kanilang kapalaran kundi'y binibigo ng kanilang kapwa ang kabiguan.
Ibig sabihin, hindi ninyo naiintindihan ang nais kong iparating sapagkat wala akong gustong ipaabot sa inyo, aking mga mambabasa, at kung sakaling may "dumating" sa iyong talinhaga na nailalathala sa ilalim ng mga metapora ng tekstong kababasa niyo lang, malamang sa hindi'y marami ka lang talagang alam.
Sa kabilang banda, may dalawang kasarian sa mundo. Isa sa dalawa ay binubuo ng mga malalabong nilalang na walang kakayahang intindihin ang sarili at mas lalong walang isang kusing ng kapasidad na masaklaw ang sentido kumon ng isa't isa. Bagaman may pagkaintelektwal sila bilang mga tao ay hindi malabong mangyaring hindi sila maintindihan ng mga pangkaraniwang mamamayan ng mundo gaya ko. Hindi na nito kinakailangan pa ng isang pagpapaliwanag sapagkat hindi na mababago ang katotohanang...
Utu-uto ka. Nagpapadala ka kasi sa mga nilalang sa mababang antas. Hindi kailangang gawin iyon para lubos na maintindihan ang isang kulturang hindi mo kinagisnan. Tandaang matagal mong itinayo ang iyong kasarinlan sa mundong ito at hindi ka dapat pumayag na gumuguho ito dahil sa isang bagay na hindi kinakikitaan ng halaga at hindi na dapat pinahahalagahan pa.
At ang bagay na ito'y kung tawagin natin ay: Posted by Mike on Apr 4, '10 12:29 PM for everyone Ganito kasi 'yun - hindi nagkakaalamat ang mga bagay-bagay hangga't hindi ito kinakikitaan ng kahalagahan sa pang-araw-araw na pamumuhay, o maaari nating tawaging significance of existence. Para maipakita ang nais kong sabihin, gumawa ako ng isang alamat ukol sa saging at condensada.
May isang babaeng gumagawa ng banoffee pie. Mahilig siyang kumain; ngunit iyong araw na iyon ay napakaispesyal dahil bumili siya ng mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng banoffee pie. Tapos habang ginagawa niya 'yung banoffee pie e nabulag siya sa mga ingredients na masasarap. Maya-maya'y hindi rin niya napigilang ikuwento sa akin ang kanyang masarap na karanasan sa kusina.
*Mahabang talastasan sa kung gaano karami ang kanyang nakain*
Ako: TAKAW Siya: oh great -_- Siya: madami din ako nakain Siya: pero naubos prin agad Ako: as expected Ako: madami kang kinain Ako: :)) Siya: ung mga saging at condensed milk Siya: HAHAHA Siya: =)) Ako: SAGING Ako: NAKO NAKO NAKO Ako: CONDENSED MILK Ako: NAKO NAKO Siya: ANU NNMN Ako: NAKO MASAMA ITO Siya: whyyy
*Mas mahabang diskusyon tungkol sa saging at condensada*
Bagaman hindi ko mahinuha na ito ay dulot ng kanyang murang edad ay masasabi ko pa rin namang masarap ang kumbinasyon ng saging at condensed milk ayon sa kanyang kwento. Pero ang MAHIWAGANG TANONG ay kung bakit niya ako tinanong ng "whyyy" pagkatapos kong banggitin na masama ang pagkain ng saging at condensed milk na tila hindi niya alam kung ano 'yung sinasabi niya.
-----------------------------------------------------
Ang Sagot - Baka maging diabetic siya.
Ending - She lived happily ever after?
Moral Lesson - Huh ano 'to
Sa punto de bista ng isang babae, masarap ang saging at condensed milk. Kaya nagkaroon ng saging at condensed milk ay dahil sangkap ito sa paggawa ng banoffee pie. Mahaba ang mga saging at malapot at matamis ang condensada kaya mapagkukunan ito ng maraming panghalo sa banoffee pie. Banoffee pie ang maaaring isa sa mga nagpapasaya sa mga babae. Posted by Mike on Mar 18, '10 10:22 AM for everyone Kanina kumain kami ni Kris Gomez sa Jollibee sa may Greenmeadows ('yung sa may Libis) bago umuwi. Tapos 70 na lang talaga 'yung bills namin at ayaw naming pabaryahan 'yung buo dahil masakit tingnan sa mata na marami kang mga bente at singkwenta sa pitaka. E gusto niya ng ice craze na ube na may soft serve, 'yung may ice cream sa tuktok, na nagkakahalaga ng 40 pesos - pinagbigyan ko na. Sige, inorder ko 'yung tig-30 na walang soft serve na ice craze para saktong 70 lang magagastos namin at walang mababaryahan sa aming dalawa.
Tapos pagdating nung order namin, parang doble 'yung dami nung kanya. Saka buo at matigas 'yung yelo ng akin.
Sana sampung piso rin lang ang idinadagdag natin para sa higit na kasiyahan. Posted by Mike on Feb 24, '10 10:08 AM for everyone After hearing so much stories of relationships of all sorts for the past several months I've finally decided to post something that could probably solve the uncountable conflicts among genders. Now this is a very important topic because understanding is essential in building a strong and lasting relationship. Hopefully this course would be able to enlighten male readers so that they could be capable of resolving conflicts in the future with minimal effort within the shortest time possible. Also, this would be sufficient enough to illustrate what a woman really is, putting aside all bias and stereotypes in the present society.
So understanding women may sound really easy but not in actuality. We all know that. As a guy, you've usually tried to appease or satisfy women in the past, preferably friends or partners, in so many cases. For example, you've already tried cracking out a joke to make them laugh but ended up cracking their patience. If you didn't crack a joke, they've probably cracked your balls. You've already tried behaving but then you've been considered as someone having an inferiority complex, or worse, considered as boring and uninteresting. You've tried misbehaving but then you've been seen as someone having ADHD, or worse thought upon as irritating and annoying.You've tried giving them gifts and tried giving them none. You've tried telling them what you honestly think of their outfit when asked. If you did not answer, you're not a nice guy anymore. If you answered to make them happy, you're a liar. If you answered with criticism, you're evil. Talking about their weight and waistline is murder. You've already spent so much time with them by listening to them, going out with them, treating them with food and movies, and whatnot, shopped with them, etc. etc. but then you're still like any other guy down the road. You tried to make them special but to them you're not and many more uncountable bitterness. And there are literally a million more reasons why men need to learn how to understand women.
To begin with, no woman is like another one. A male has to develop many adaptive patterns in order to suit and blend in the environment of women. Women act and react differently of course, and because of that a guy may have usually tried choosing what to say and choosing what to do in the presence of a woman. A guy may have displayed some joyful or delightful aura. But not all of these moronic and unreal display of manliness appeal to most women. In order to easily adapt to a woman's needs out of physical presence, a man should carefully study body language, which is a prerequisite course.
In connection, PMS is not always the reason why women act weird or even irritating to a certain extent. A woman's behavior ranges from being very much likeable to being overly provoking. These degrees of attitude towards her environment should be dealt with in extreme carefulness. A guy should choose when to be charismatic, rude, funny, etc. Guys should be able to familiarize themselves with what a particular woman's attitude ranges are and they should prepare how to react in all those cases. A woman's attitude may seem to be betraying but most of the time it still is bearable. But if a woman is being attacked by PMS, a guy is also under attack by PMS: Problematic Manageable Shit.
And don't forget, women are the most beautiful creatures on earth, well, sometimes. Beauty is highly subjective anyway and this is one of the aspects when one can compare a woman to another. Besides, beauty may only seem to be appealing only in the beginning, but in time it diminishes like an unstable variable. Beauty only increases in time very rarely, attitude-wise that is. I'm not saying that women are generally bad but a man only gets to know who a woman really is in time, and in that period the relationship may not be so happy anymore. If it is though, aloha you lucky ass.
Women may seem retarded but we cannot really generalize all of them into one category. They may seem highly demanding and selfish at times but it's just the way they are. Surely they may constantly piss you off as if you've been locked up unto some inevitable fate and you'd just end up being angered, depressed or drunk. They may be intimidating, yes, but then why not take it like a man? A guy can always return the intimidation on some other proper time (although learning the proper time is another course). They may not be what you've been dreaming of, but they surely are not true to life nightmares. They drive you nuts almost every single day. But what the heck, aren't they loveable creatures?
Awwww. No. Understanding women is not a question of "how" but "why." Why understand women in the first place? The verdict-
You can't.
Stick that to mind. Women are incomprehensible beings and are not meant to be understood. Understanding Women 101 isn't about understanding women but Understanding [the fact that] Women [can never be understood]. Understanding Women is the fact that can never be understood. So never ever try it.
*Understanding Women 101 is a prerequisite for Assholeness 69.
Women are nice people so treat them with utmost respect.
| |