Posted by Mike on Dec 16, '08 5:31 AM for everyone May dalawang uri ng babae-- este... ahas. 'Yung una mga constrictors. Kakagat sila sa isang vulnerable part ng lalaki-- este... prey, saka pupuluputan nang mahigpit para magshutdown ang kanyang respiratory, circulatory, at nervous system. 'Yung ikalawa naman, yung mga venomous.
'Pag tumuklaw, makamandag. Talagang makamandag. 'Di ako nagbibiro.
Kanina natuklaw na naman ako, pero hanggang ngayon eh wala pa akong antivenom na nahahanap, kaya tumambay na lang ako sa library para mag-aral ng History. 'Yun nga lang, pag-upo ko, pinagmamasdan ko 'yung entrance... Baka sakaling may pumasok na maganda.
Oo, maraming pumaroo't pumaritong mga magagandang binibini, pero wala talaga eh. 'Yung tumuklaw sa akin, talagang super effective. Nawiwindang pa 'ko sa kanya. Heto pang isa, siguro hindi niya alam na natuklaw na niya ako. O 'di naman kaya nagpatuklaw ako? Ah bahala na.
In the end, hindi na rin ako nakapag-aral kaya pumunta na lang ako sa prayer meeting namin ni Boy Turon sa Secwalk. Marami kaming nakitang kasamahan, pero kahit na... Matindi talaga tama sa'kin nung lason na 'yun. Progressive Desiccation.
Progressive Desiccation - 'yan 'yung huli kong nabasa sa mga history readings ko.
Progressive Desiccation - extreme drying that gets worse and worse, until the snake who bit the victim would supply the antivenom.
Progressive Desiccation - hindi kakayanin ng circulatory system mabuhay kapag wala ang venom. Pwede kasing mabuhay nang walang babae eh, pero minsan 'di mo talaga maiiwasang matuklaw nang 'di oras.
Isa lang masasabi ko: ASA BOI. Tangina naman eh hahahahahaha.
Meri Krismas!  | snakes on a plane! HAHA
lesson learned: magtago pag me ahas :)) ....WTF? |
 | ahas.. mas makamandag ang ahas ng accounting.. |
Comment deleted at the request of the author.
 | sinabi mo pa.. haha! magpapakagat ako sa friday, sa Paskuhan.. haha! |
 | daming makamandag sa Sci10 natin eh.. |
 | kilala ko kung sinong ahas yan. ;) hahaha! akala mo matatago mo sa akin yan ah. haha! |
 | makamandag na babae? andami niyan. na-paralyze nga ako sa huling tumuklaw eh. xDD |
 | hahahahaha nakakatawa kayo |
| |